Scattered bits of my awesome brain

After months of being super unlucky, super BV, and super sad, finally, I’m receiving quite a lot of good news this past few weeks. Last week, I was so afraid of my grades because I know that I did not do good this semester. I was too preoccupied with other things and other responsibilities and my acads had been the least of my priorities. But like a said, lady luck must be on my side right now.

 

I have this super early morning class (8:30-10:00) that I usually miss or be late to. My professor always teases me and scares me that I will be dropped from that subject or I will fail because of my absences and lates. But, I still got a 1.75! I was so happy because I was just hoping to pass. Really, during last sem, I was just hoping to get atleast a 3.0 in all my subjects cause of the effort (or lack thereof) that I exerted.

Same with the other subject with the same professor. He always gives this mind-blowing quizzes that I usually flunk, or even if I get a high score, someone will always be higher than me so it won’t matter cause he’ll just collect paper/s the highest scorer/s. But during the last quiz, I got to pass my quiz paper! That is one of my dreams and goals for this sem and I’m glad I have achieved it. And I also got a 1.75 for my final grade. Happiness! ❀

Another thing that got me so happy this sem was when I got a perfect score on an essay question in the exam of one of my favorite professors. He was known for scrutinizing every detail of the essay, even the grammar, and getting a perfect score in one of his essay questions is really a big deal for me because I had this thing that I want to prove something to him (mehehe). But the final grade of 2.0 did not surprise me cause I usually get this kind of grade from him. But I’m still very thankful nonetheless. πŸ˜€ ❀

Then, yesterday, I learned that I got a 1.75 grade on a subject that I’m so positive I will just tres. I took the removal exams for that subject cause I didn’t study well for the finals so I was really sure that I won’t get a grade higher than the passing. But, thankfully, I got a 1.75 Β I know I could’ve gotten something hiugher, but with my performance this last sem, this was really really surprising. I’m just so lucky. ❀

I’ve written earlier that I just passed my last requirement for my thesis proposal class. Again, I was just hoping to pass, and I was conditioned to get a grade of 3.0. Buuuut, becauseΒ GODΒ isΒ EXTREMELY GOOD,Β I got a call from my partner Mudir today, saying that I got a 2.0 on my thesis proposal! WTFudge right! And when I check my gmail I saw an email from my professor saying that my paper had a big improvement. That’s so heartwarming especially because it came from my very strict but kind and sweet professor. πŸ™‚ :”> Now I’m quite sure that I will graduate on time because this is the best assurance ever.

 

Now I promise that I will really work hard next sem. Tho I know that I will not reach the cum laude standing, I still wanna work hard so I can atleast be a College Scholar even for just one sem.

And, because I was so inspired with how things turned out, I want to work hard to achieve the Best Thesis award for our batch. Jk. But really, I will strive hard to atleast be nominated. Please please please stay with me positive vibes. Inspirations flood me!

 

So that’s it. I just want to share my happiness to the world. ❀

Motivatiooooooon! πŸ˜€

Iba yung vibes ko sa taon na ito. Sobrang iba siya sa mga nakalipas na taon. Dati, sigurado, confident, at alam ko kung ano ang gagawin ko next year. Nasa school ako. Nag-aaral. One year higher. Actually, I look forward to every school year. Bagong acad year na naman, bagong mga kaibigan, bagong kaklase, bagong teacher, bagong matututunan. Oo naman, naeexcite ako sa mga bagong matututunan. Pero nayon, hindi na ko sigurado sa mangyayari next year. Clueless kumbaga. Hindi ko na alam kung nasan ako, kung anong ginagawa ko. o kung masaya ba ko sa ginagawa ko. Di ko alam kung anong ilolook forward ko. Di ko alam kung anong ikaeexcite ko. Di ko alam. Di ako sigurado. Natatakot ako. 😐 Wala akong maaninag, wala akong madama. Ano nga bang meron sa susunod na taon? Saan nga ba ako mapapadpad? Ito na yung pinakamahirap na pagsusulit sa lahat. Ito na yung susubok sa lahat ng kaalaman na nakuha ko sa loob at labas ng silid-aralan, sa prof at mga kaibigan.

 

Ito na yun e. At natatakot ako. Natatakot akong bumagsaka ako.Β Mas mahirap pa to sa unang Ramota exam na napagdaanan ko. Masa mahirap pa to sa 199.1 ni Ma’am Castillo. Mas nakakatakot to sa Math 1 at Math 11. At higit sa lahat, mas mahaba to kesa sa mga lecture ni *toot*.

 

Aalis na ko sa mga bagay na kinagisnan ko. Iiwan ko na yung apat na sulok ng comfort zone ko. Sasabak na ko sa mas magulo, mas maingay, at mas harsh na mundo. Nakakatakot dahil hindi ko alam kung handa na ba ako. Nakakatakot kasi hindi pwedeng magremovals dito. Nakakatakot kasi hindi pwedeng i-drop to. At wala akong prof kundi ang sarili ko. Ang hirap mag-isip araw-araw kung ano na ba talaga yung mangyayari sakin sa susunod na taon. Gagraduate ba ko? Magla-law ba ako? Magttrabaho na ba ako? O buhay pa ba ako? Hindi ko alam. Lahat ay walang kasiguraduhan. Siguro ngayon bahala na muna si Batman, lahat pa ay suntook sa buwan. Mali man pero bahala na talaga siguro. Ako naman ang in control e. Kumbaga, ako ang director, scriptwriter, at actor ng pelikulang ito.

 

Siguro kaya ako natatakot kasi wala akong tiwala sa sarili ko. Yan yung di ko natutunan sa eskwela e. Absent ata ako nung nilesson to. Siguro bago ko problemahin lahat ng ito matuto muna kong magtiwala sa sarili ko. Baka sakaling magliwanag. Baka sakaling malaman ko na yung mga sagot sa tanong ko. Baka sakaling luminaw, baka sakaling may kahinatnan. Sa ngayon thesis muna. Siguro yung yung sagot sa lahat e (sana). One step at a time ika nga. Dahan-dahan. Wag magpadalos-dalos. Malay ko ba kung this time next year mas solid na yung bagay sa hinaharap ko. Kaya sa ngayon, chill muna. Itutulog ko na lang to. Baka bukas, okay na ko.

 

-end-

“Dito samin sa Pangarap, kala mo panahon ng hapon e.”

Dalawang barangay na nakakulong. Dalawang barangay na gwardiyado ng maraming armado. Dalawang barangay na may libo-libong tao. Dalawang barangay na ginigipit ng nagsasamantalang uri. Brgy. 181 at 182. Mga barangay na nakapaloob sa Pangarap Village.

Pangarap Village. Ang gandang pangalan. Ang gandang pakinggan. Pero ano nga ba ang istorya ng Pangarap Village? Pano ba ito nabuo at anong problema ang naka-amba sa kanya noon pa? Interesado ka? Lika, basahin mo to.

Tinaguriang Friar Land noong panahon ng mga Kastila. Halos pitong libong ektarya ng lupain ang kinamkam ng mga prayleng Kastila at kinunsiderang Friar land, kasama na nga dito ang kabuuan ng Pangarap Village. Pagkatapos ng matagal na pananakop ng mga Kastila, naibenta ang lupain sa pamamagitan ng Friar Lands’ Act. Binenta sa mga magsasaka ang parte ng mga lupa.

Noong panahon ni Marcos, kinamkam niya lahat ng lupain at tinagurian niyang pag-aari ito ng gobyerno. Muli, kasama diyan ang Pangarap Village. Ipinamahagi niya ito sa mga tauhan niya sa gobyerno, sa mga PSG, sa militar at kapulisan na naninirahan sa loob ng Malacanang park. Nakuha ng village ang pangalan niya sa isang park sa Malacanang. Sa bisa ng PD 293, kinansela ng gobyernong Marcos ang titulo ni Gregorio ‘Greggy’ Araneta at ipinamahagi ang titulo sa mga miyembro ng Malacanang Homeowners Association. Bago pa man naipamahagi ang titulo, marami na ang nakatira sa pangarap village. Nariyan ang mga Urban Poor, Malacanang Homeowners, at mga nakabili ng lupa sa Carmel Development Incorporated na pagmamay-ari ni Greggy Araneta.

Nang matapos ang termino ni Marcos at maupo si Cory Aquino, pinakansela niya ang PD 293 at binawi ang mga titulong naipamahagi sa mga matagal ng residente ng Pangarap Village sa kadahilanang unconstitutional daw ang ginawang Presidential Decree ni Marcos. Naibalik ang pagmamay-ari ng lugar sa panginoong may-lupang si Greggy Araneta.

Mula ng maibalik ang pagmamay-ari kay Greggy Araneta, lagi ng may nakaambang demolisyon sa lugar, kahit na ang iba pa ay tunay na pagmamay-ari na ang lupang kinatitirikan ng mga tirahan nila. Yung ibang nakabili ng lupa ay hindi naiisue-han ng deed of sale. Nagtalaga na rin ng security group si Araneta sa loob ng Pangarap Village at ang CDI na pag-ari niya ang naglagay ng bakod sa palibot ng Pangarap Village at ng gate sa harapan ng Village. Bawat lalabas at papasok sa Pangarap ay minomonitor ng mga armadong guwardiya tat ngayon nga ay may mga unipormado at nakasibilyang mga pulis pa. Ang mga tauhan na rin ni Araneta ang nagkokontrol sa serbisyo publikong pumapasok sa loob ng Pangrap. Sa ngayon nga ay hindi na sila nagpapasok ng mga tauhan ng Meralco at pinagbabawalan na rin ang ilang residente na agpakabit ng linya ng kuryente dahil idedemolish din naman daw ang kanilang mga bahay at papaalisin din naman daw sila doon. Malaking porsyento rin ng mga daan sa Pangarap Village ay baku-bako at hindi sementado at marami rin ang walang linya ng tubig. Minsan pa nga, pati ang supply ng tubig ng mga residente ay hinharang sa gate ng Pangarap. Ultimo mga pulis, lokal na gobyerno ng Caloocan at mga opisyal ng barangay ng Pangarap ay napapailalim sa kapangyarihan ni Araneta. Mismong ang Barangay Captain pa ng Brgy. 181 ang nagsabi sa amin na ipinaalam pa daw niya sa mga tauhan ng Carmel Development Inc. (CDI) ang pagpapapasok niya ng mga materyales na mag-aayos sa barangay hall. Siya mismo tinuturing niyang autoridad ang mga tauhan ni Araneta at si Araneta mismo.

Ngunit ang pinakamalubhang paglabag sa karapatang pantao ng mga residente sa Pangarap ay naranasan nila nitong April 28 ng kasalukuyang taon, kung saan sa kalagitnaan ng kanilang prayer vigil, pagbabarikada at pagbabantay sa kanilang lugar, ay pinaulanan sila ng bala ng mga napikong guwardiya. Marami ang nasugatan at pati ang mga menor de edad ay nadamay. Walang habas na pinagbabaril ng mga armadong security guards ang mga taong tahimik namang nagbabantay upang mapigilan ang unlawful demolition na ginagawa ng CDI. Matatawag bang maayos na demolisyon ang demolisyon na isinasagawa ng ALAS DOS ng umaga? Kung kailan tulog at walang kalaban-laban ang mga tao? Dahil sa pangyayaring ito, halos ilang gabi ring hindi natulog ang mga tao sa pangambang magising na lang sila dahil sa demolisyon. At patuloy na binubuo at pinapatatag ng mga armadong guwardiya ang cliamte of fear sa loob ng Pangarap sa pamamagitan ng paglalakd sa kalye habang nakasukbit sa kanila ang naglalakihang mga armas, pati na rin ang pagpunta at pagtambang sa bahay ng mga leader organizers ng Bayan Muna sa lugar na iyo.

At kami mismo, nasaksihan namin ang pananakot na ginagawa pati ng mga kapulisan. Saan naman kayo makakita ng census na ginawa na ng halos tatlong beses pero ang Β pina[asagutan naman sa survey form ay walang kinalamn sa tunay na census. May census bang itatanong kung saang materyal gawa ang bahay mo? Kung gano kalawak ang sakop ng lupa mo? May census bang nagtatanong kung ilang seminars na ang nadaluhan mo? At may nagcecensus ba na may escort pang mga armadong pulis at guwardiya na kala mo ay lalaban sa giyera sa laki ng mga armas na dala? Kalokohan. Puro kalokohan. Ginagamit pa ni Araneta ang mga walang kaalam-alam na estudyante na naghahanapbuhay lang naman ngayong bakasyon para sa kanyang masamang intensiyon.

Sa kabila nito, nakakatuwang makita na ang mga tao dun ay sama-samang naninindigan para sa kanilang karapatan. Halos lahat ay nakikilahok sa mga proyekto at programa na inoorganisa ng mga grupo doon para labanan si Araneta at makamtan ang dapat lamang na kanila.Β Nakakatuwa na mayroong mga kagaya ng mga naging tatay at nanay namin doon na handang makipaglaban para sa kapakanan ng mga kabarangay nila, hindi lang ng pamilya nila. Nakakatuwa rin na may hindi naman mga taga-roon pero nakikisimpatya, tumutulong, at nagpapalakas ng loob ng mga mamamayan doon.

Di ko tuloy mapigilang tanungin ang sarili ko, ano bang gusto nilang gawin sa Pilipinas? Oo nga’t uunlad tayo, yayaman ang iilan, pero paano naman ang libo-0libong matatapakan? Pano naman ang libo-libong mgabubuwis ng buhay para lang makamtan ang pag-unlad na to? Yang pagyaman. yang pag-unlad, madaming pwedeng gawin para makamtan yan. Marami lang kailangan ayusin, pati ang pag-iisip ng mga nasa bulok nating gobyerno. Bulok na nga ang sistema, bulok pa ang mga tao. Pano tayo uunlad nito?

“Nakakatakot, malaking tao yang binabangga niyo.”

Ano namang laban ng isang malaking tao sa pwersa ng higit pa sa apat na libong sama-samang kikilos para ipaglaban ang karapatan nila? Ano naman ang laban ng isang malaking tao sa pwersa at lakas ng libo-libong masa? Malakas ang masa. Matapang ang masa.

“Kung hindi ngayon, kailan pa. Kung hindi tayo, sino?”

Makialam. Umalam. Magpakalat ng nalalaman.

Tunay namang hindi lahat ng naririnig natin ay tama. Tama nga naman. Kaya maging mapanuri sa bawat maririnig. Hindi porket wala sa TV ay hindi nangyayari. Hindi porket tama sa TV ay tama sa tunay na buhay.

156 heactares ang lupang kinakamkam ni Araneta. 156 heactares. Ilang libong pamilya ang doo’y nakatira. Na walang habas na idedemolish pagdating ng panahon. Ilang libong residente ang mawawalan ng tirahan at itatapon sa kung saan man. Kung hindi tayo kikilos, kung hindi natin to mapipigilan.

Ah, oo nga pala, malayong pinsan ni Greggy Araneta si Mike Arroyo. At pinsang buo niya si Mar Roxas. Ah, kaya pala.

Uyy. Iba iniisip. Life less serious daw kasi. Life less complicated sana pwede rin.

 

Alam mo yung ang sakit na. Yung gusto mo lang naman sumaya, pero di pwede, di dapat, kasi di para sayo. Yun bang pinapaasa ka, pinaglalaruan ka ng tadhana, na akala mo ayan na, pero hindi pala. May iba pala siya.

 

Ang daming nangyayari. Umaasa ka. Natutuwa ka kasi once upon a time laman lang yun ng pagdaday dream mo. Then poof, it became coco crunch, ay mali, naging for realzzz na pala. Ikaw, kinikilig-kilig ka, kasi ayan na, so near yet so far. Pero bigla ka na lang sasampalin ni life at sasabihin sayong, “gaga, di naman ikaw yung gusto niya, may mahal kaya siyang iba, asa ka porebs”.

 

Sakit diba. Kasi masaya ka na e. Umasa ka na e. Kala mo ok na. Pag kinekwento mo sa friends mo, parang kayo na talaga sa sobrang pag-exag mo sa mga bagay at sa pagkakilig mo. Tipong nagseselos ka pa pag nakikita mo silang magkasama. Ganda mo? Kayo na?

 

Kahapon, ang saya, kumakanta yung mga anghel. May butterflies, nagliliwanag lahat. Pero ayun nga, di kasi siya totoo. Lahat kasi di totoo. Naroromanticize mo lang, dahil nga natutuwa ka na ganun na. Pero sa totoo lang wala talaga. Di sadya yun. At di para sayo yun.

 

So okay na? Alam mo na lahat yan? Kaya tama na dapat, tigil na. Kung patatagalin mo pa, lalala lang yan. Malulungkot ka lang. Baka magpakamatay ka pa. Joooke. OA nun ha. Pero yun, payo lang kaibigan, umayos ka na. Tas try mo yung buhay na ikaw lang, walang kahit sino, walang kahit ano. Masyado ka ng dependent sa ibang tao e. Go and do things alone. Nood kang movie mag-isa, i-date mo sarili mo, punta kang Tagaytay dahil lang gusto mo. Try mo talagang mag-isa, baka mas sumaya ka pag ganun. Baka meant to be ka talagang mag-isa. Baka soulmate mo sarili mo. Baka forever alone ka na lang.

 

Pagkatapos nito, tapos na. Tama na. Ayaw mo na. Ayoko na.

 

KTHXBAI

Because I’m tamad to make a long year-ender, I shall summarize my 2010 in 20 sentences and chop that 20 sentences into 10 words. Witty right? Loljk. I’m juzz tamad. πŸ˜€

1. This year, I turned 18.

2. I learned a lot of life lessons, had a lot of realizations, and learned to love myself more.

3. I learned the value of saving. πŸ˜€

4. I learned that the people I’m with are my true friends because though we have a lot of differences and though we’ve experienced a very shaky year, these people held on to me. to us. I love these people. πŸ™‚

5. I learned to accept the sad and brutal realities of life.

6. I’m slowly learning to leave my comfort zone. Baby steps my cherie, baby steps. πŸ™‚

7. I’m starting to love PolSci more and more. πŸ™‚

8. I learned how to set priorities.

9. Sorry but I’m still tamad don’t kill me. ._.

10. I became more responsible. Atleast I think I did. :>>

11. I learned that in life, you have to work hard to get what you want. Pretty things won’t be handed to you on a silver platter.

12. I learned to value and appreciate life more. πŸ™‚

13. I lose some, I gained some. Go figure.

14. I met awesome people who made my life awesome-er. Thank you. πŸ™‚

15. Friends come and go, but those who truly love you will choose to stay.

16. Don’t be too hopeful. Some false hope might kill you. πŸ˜‰

17. Love, love makes the world go ’round. :))) ❀

18. Your family can be the best stress-reliever. πŸ™‚

19. This year I became closer to my other ate, Ate Bambie. Thank you. :>

20. And lastly, when there’s no one in this world gives a f*cking care about your sh*ts, God is there. He will listen. πŸ™‚

Twenty-ten has been very awesome thank you very much. πŸ˜€

Twenty-eleven Β know you’ll be awesomer! Happy Nw Year to everyone out there! Cheers! πŸ˜€

Just so you know. Eventhough I don’t always say this and I don’t always show you how you mean to me, I love you and you’re one hell of a friend that I will never replace. Jeng’s my bestfriend but that doesn’t mean you’re anything less. I love you. Always have, always will. πŸ™‚

 

 

I badly want to talk to you, to tell you how I really feel. Maybe you already noticed some changes in my actions. I don’t want the year to end like this. I want to talk to you but I don’t know how to.

Sabi nga sa slumbook ko nung elementary ako, “what is love?”. At syempre. bilang nagmamaganda ang epek ko nun, nagmamaganda rin ang mga sagot ko. Tipong, “Love is 100% imperfect”, “Love is stupid”, at syempre ang mga cliche na ‘Love is blind”, at ang pagkahaba-habang “Love is like a rosary that is full of mystery”. O diba. Ganda.

Pero ano nga ba ang pag-ibig? Disi-otso anyos na ko. Pwede na kong makulong. Pero di ko pa rin alam ang pag-ibig. Yuck. Sorry na. Hindi ko alam e. Pati ata yung pakiramdam hindi ko alam.

Destiny. Fate. Serendipity.

Naniniwala ako sa mga yan. Ang cute kasi nung thought diba. Parang it will always give you hope. Na there is someone for you. Someone there, waiting, anticipating. Ang saya. Parang ang ganda ganda mo diba.

————

Friend 1: Di naman kasi totoo yang destiny na yan.

Me: Malay niyo naman. Ang cute nung thought diba. Parang there’s always something to hope for. πŸ™‚

Friend 2: Ano ka ba. Kaya nga may free will ka diba. You’re free to choose. Kaya nga yung mga tao they end up together kasi pinipili nila ang isa’t isa.

Me: E pano kung pumili ako, tas di ako pinili. Ang sakit kaya nun. Ang sakit mareject. Takot ako sa rejection e.

Friend 1: Pero mas masakit yung aasa ka, tapos pag di nameet yung expectations mo, madedepress ka. Grabe ka pa naman pag nadepress.

Me: E sabi nga ni Sir, 2 years from now daw makikilala ko na siya. Ang cute nun diba.

Friend 1: Pano kung 2 years from now walang dumating? E di malulungkot ka.

Friend 2: Kaya nga. So kahit may magustuhan ka ngayon, sasabihin mong di pwede yun kasi 2 years from now pa dapat. Isipin mo nga. Isasara mo puso mo. Ano ka ba.

Me: Hayaan niyo muna ko. Masaya pa naman ako e.

————

Me: Ang cute kaya nung thought ng destiny. Gusto ko lahat cute e.

Friend 3: Yung totoo, anong laman ng utak mo?

Me: Butterflies. 😐

————-

Sabi nila masyado akong idealist. Siguro nga. Malamang tama sila. Nakakalungkot. Pero I find comfort sa ganun e. Eto, etong mga naiisip ko, lahat to nasa comfort zone ko. At oo, takot akong lumabas dun. Takot akong umalis sa comfort zone ko. Takot akong masaktan. Sino ba namang hindi diba. Ang weird nga e, adventurous ako pero takot akong mag-take ng risk. Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit ako ganito, pero alam kong mali na. Disi-otso na ko. At alam kong medyo (yes medyo lang :)) inappropriate na yung ganito. Pero anong magagawa ko? Hindi ko alam. Di ko alam talaga.

Gusto ko ng kiligin. Gusto ko ng may makausap. Gusto ko ng tumalon yung puso ko sa saya. Sabi ko naman kasi magtaxi ka na. Alisin mo na ko dito sa comfort zone ko. Turuan mo na kong magtake ng risk. Hay. Ang bagal mo ever. Baka pagong ka talaga.

What is love ba? 😦

Yellie Jelly :D


Blabbermouth. Primadonna. Irrational. Impulsive. Critical. AWESOME.