Scattered bits of my awesome brain

Archive for the ‘Uncategorized’ Category

First agit blogpost na nagawa ko. Blogpost din na nagsasalaysay ng pagkamulat ko. E kasi matetegi na daw yung multiply huhu. 😦 Sharing just because.

Β 

Kakagaling ko lang sa kabundukan.
Kakadanas ko lang ng hirap ng buhay ng isang magsasaka.
At aking ilalahad ang lahat ng karanasan ko, baka magsilibing aral sa inyo.

Naranasan niyo bumaba ng isang bundok at umakyat ng isa pa para lang makauwi sa inyong tahanan?

  • Ako oo, yan ang naranasan ko. Dumaan ako sa matarik at makitid na daan. Sa alikabok, dumi, at mga halaman na makakati. Bawat pagkadulas, bawat sugat, tumiim sa aking balat at tumagos sa aking buong kamalayan. Nakaani ako ng mga kaibigan sa daan na papunta pa lamang. Mga taong kasabay kong nahirapan ngunit nagagagwang palakasin pa rin ang loob ng isa’t isa. Ang pagod at hirap ay agad na nawala nang marating na namin ang sa ami’y magsisilbing panandaliang tahanan. Napaisip ako na ganito pala ang hirap na dinaranas ng mga magsasaka para lang makababa sa bayan at makapagtindi ng kanilang mga ani.

Naranasan mo na bang magluto na pangggatong lang ang gamit, dalawang lang ang kaldero mo, isa para sa kanin at isa para sa ulam?

  • Ako oo, at mahirap ito. Masyadong mainit ang ningas ng apoy, mahirap matantiya kung gaano kalakas ito. Maaring masunog ang niluluto mo kung hindi mo makokontrol ang apoy. Mahirap talaga, maaari kang mapaso, masugatan, at kung di ka talaga mag-iingat, maaring umapoy ng malakas at masunog ang iyong bahay. Napaisip ako, maswerte pala talaga ako. Nakakabili kami ng gasul at maayos ang aming lutuan. Nakakaawa ang kanilang kalagayan.

Naranasan mo na bang umihi sa isang banyo na tinakpan lang ng 3 kahoy at may iba pang mga kahoy sa ibaba na magsisilbing ihian?

  • Ako oo. Nung una nagulat ako, at aaminin ko, nandiri ako. Iniisip ko kung paano nila nakakaya ang ganung buhay, na kahit simpleng maayos na banyo ay wala sila. Pero naalala ko na dapat akong makisama, dapat kung tanggapin kung ano sila at kung ano ang kaya nilang maibahagi sa akin. Umihi ako ng walang pag-aalinlangan. Wala ng panahon para sa kahit anung kaartehan. Ngunit hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako, paano kaya sila nagbabawas sa gaanong palikuran?

Naranasan mo na bang lumibot sa halos dalawang ektarya ng lupang sakahan?

  • Ako oo, at sadyang mapapamura ka sa karanasang ito. Hindi ko alam kung ilang bundok an ginakyatan at binabaan namin. Basta mahirap, nakakapagod, nakakapanghina. Pero lahat ng makikita mo ay sadyang nakakamangha. Ang kagandahan ng kalikasan ay hindi matatawaran, kahit ilang Robinson’s o SM mall ang ilatag mo d’yan. Habang tinitignan ko ang kabuuan, naintindihan ko na kung bakit ito pinakikipaglaban ng mga kasamang magsasaka. Ang mga lupaing ito ay hindi dapat ginagawang komersyal. Ang mga lupang ito ay nilikha upang tamnan. Ito ay nilikha para ariin, linangin at pakinabangan ng mga kapatid nating magsasaka. Sila ang nakatalagang mangalaga dito, sa kanila ibinigay ang lupang ito.

Naranasan mo na bang maglakad sa putikan na wala kang sapin sa paa?

  • Ako oo at masarap ito. Ang pakiramdam ng putik sa paa, malambot at malamig. Nung una nandiri ako, dahil alam kong madumi iyon. Ngunit walang panahon para sa simpleng kaartehan ko, lakad kung lakad, maputikan na kung mapuputikan. Ang paglubog ng buong binti ko sa malalim na putik, ang pagsigaw ko at pagmura kapag nadudulas, lahat ng ito ay mga karanasang hindi ko makakalimutan. At muli, nakaani ako ng mga kaibigan na tumutulong sakin kapag ako’y tuluyang nalubog na. Mga kaibigan na tinutulungan ko rin kapag sila ang nadudulas at nalulubog. Walang sinumang napahiya kahit halos magdausdos at magpagulong-gulong na sa putikan. Lahat ay masaya lang, nag-eenjoy at nagtatawanan.

Naranasan mo na bang lumakad sa pitak ng palayan at lumubog sa putik na aabot hanggang tuhod?

  • Ako oo, at masarap ito sa pakiramdam. Nung una, nag-inarte ako. Natural lang yun dahiol bago pa lang ako. Lumubog ako, halos hindi na makaalis sa kinatatayuan ko. Pero masaya ito. Papahalagahan mo talaga ang mga magsasaka kapag naranasan mong lumubog sa pitak. Tinitiis nila ang mga linta, ang putik. minsan ay mayroon pang palaka. Pero lahat ng yun ay hindi nila iniinda. Ang mahalaga sa kanila ay makapagtanim upang mayroong makain, makapagtanim upang mayroong kitain.

Naranasan mo na bang bumaba ng bundok upang makarating sa ilog na magsisilbing paliguan, labahan, at pinagkukunan ng tubig ninyo?

  • Ako oo, at namangha ako. Napakaganda ng kalikasan. Malabo lamang ang tubig dahil umulan pero malamig at malinis ito. Ang sarap maligo. Minamasahe ng bawat patak ng tubig ang masasakit na kalamnan at makita mo pa lang ang tanawin ay mapapawi na ang pagod ng maghapon. Sobrang nakalulugod na makita na sa kabila ng magulong siyyuda at magulong pamumuhay, may mga ganitong lugar pa rin na makakapagpalimot sa’yo ng mga problemang dala-dala mo. Nakakamangha ring isipin na nakakababa at nakaka-akyat muli ang mga magsasaka sa napakatarik na daan na papunta sa ilog na ito. Kadalasan ay may dala-dala silang balde ng tubig, o di kaya’y mga produkto na ibebenta, ngunit di nila alintana ang malayong lakarin, mabigat na dala, at matarik na daan. Sadya nga namang nakakamangha.

Naranasan niyo na bang lumakad ng isang oras sa walang katapusang putikan upang marating lamang ang sementadong kalsada na magdadala sa’yo sa kabihasnan?

  • Ako oo. Walang humpay na lakaran ang aming naranasan upang marating ang kalsada kung saan nakaparada na ang jeep na maghahatid sa amin sa Maynila. Pagod na pagod at hapong hapo na kami sa kalahati pa lamang ng paglalakad. Sa katirikan ng araw, di na namin namalayan na napakalayo na ng aming narating at napakatagal na ng paglalakad namin. Para kaming mga batang ngayon lang nakakita ng sementadong kalsada sa sobrang saya nang matanaw na namin ito. Ngunit aking napagtanto na halos araw-araw itong ginagawa ng mga magsasaka na nasa bundook upang mailuwas at maibenta ang kanilang mga ani. Ang kanilang mabibigat na dalahin ay dagdag parusa pero lahat ng ito ay tinitiis nila. Naramdaman ko na wala ako sa lugar upang magreklamo dahil sandali ko lang namang mararanasan ito.

Lahat ng ito ay kinalulugod ko na naranasan ko. Lubhang nagpapasalamat ako sa karanasang ito dahil iminulat niya ko sa tunay na lagay ng buhay. Totoong may mahirap at mayaman. Totoong may naaapi at may nang-aapi. Totoong may mga taong umaabuso at inaabuso, nanamantala at sinasamantala. Totoo ang diskriminasyon. At totoo na lahat ng ito ay naidulot ng kasakiman at pera sa mundo.

Nang ako’y papauwi na sa aming munting tahanan, naitanong ko sa sarili ko: Magagawa ko ba talagang bumalik sa paraisong iyon? Oo ang sagot ko. Pero alam kong kulang pa ko sa kapasidad para magawa yun ngayon. Habang ako ay naglalakad patungong MRT station, naalala ko ang putik at tarik ng daan na aming tinahak. Nararamdaman ko pa rin yun sa aking mga paa, pero di na nakikita ng aking mga mata ang mga kanais-nais at kamangha-mangha likha. Nang ako’y makauwi at habang naliligo, habang ramdam ko ang bawat patak ng masaganang tubig mula sa shower at gripo, naisip ko na napakapalad ko dahil lahat ng ito ay nasa harap ko. Ngunit sa kabilang banda ay nalungkot ako dahil bakit kailangan may mga taong hindi maranasan ang mga nararanasan ko?Β 

Kung mabibigyan lamang sila ng pagkakataon. Kung matatauhan lamang ang mga taong mapang-abuso. Sana ay maisip nila na wala silang karapatan sa lupang iyon. Pera lang ang mayroon sila, hindi nila dinanas lahat ng dinaranas ng mga magsasaka. Hindi sila napuputikan, hindi sila nadudumihan. Maligaya silang nakaupo sa malamig nilang mga opisina, pahiga-higa sa malambot na kama, habang ang mga magsasaka ay maghapon magdamag kumakayod para lamang may maihain sa hapag.

Lahat ng ito ay nakita ko nang makipamuhay ako sa mga magsasaka ng Sitio Balwarte sa San Jose del Monte, Bulacan. Sana maraming makaranas nito. Sana maraming isipan ang mabuksan. Sana maraming makipaglaban para sa kapakanan ng maralitang Pilipino. MAkiisa tayo. Lumaban tayo. Para sa atin ito. Para sa mga kapatid nating magsasaka ang labang ito. Hindi naman kabawasan sa pagkatao mo kung kikilos ka hindi ba? Hindi ka naman madudungisan kung makikinig ka.

Makinig. Makialam. Kumilos.
Tulungan natin ang mga magsasakang Pilipino.
Tulungan natin ang mga maralitang Pilipino.

Advertisements

I can’t believe I’m feeling this again. The feeling when I want to cry every night. That feeling when I can’t see even a single ray of sunshine. I don’t want to go through this again. I’ve had enough of this in the past. Please, help me. I don’t want to constantly cry and beg for companionship again. I’m a mess and I’m pathetic. 😦

Okay. Gusto ko lang talagang mag-rant. Actually, matagal ko na gusto magblog ulit. Ang hirap na kasi. Parang lahat na lang ng tao may opinyon, lahat na lang ng tao may saabihin, lahat na lang ng tao ay tama. Ayoko na munang makinig sa sasabihin nila. Ayoko na munang makipagtalo. Gusto ko na lang munang magsalita ng walang pinapakinggan.

 

Okay hihinga muna ko. Ganito kasi yun.

 

Ang komplikado ng buhay. Bakit? Minsan naiisip ko kung tama ba yung mga desisyon ko ngayong kolehiyo e. Alam ko namang tama siya, pero ang hirap ng ijustify kung bakit siya tama, bukod dun sa napaka-obvious at given na na sagot. At di ko naman tinatalikuran o pinagsisisihan yun. Wala akong problema sa bagay na yun, may problema ko sa mga tao. Oo sa mga tao. Sa mga tao doon na hindi ko na naiintindihan. Di ko na alam kung anong gusto nila, di ko na alam kung anong naiisip nila. Ang exclusive na kasi ng dating sakin e. May exclusivity na. Ang labo. Kasi ayaw nun e, nilalabanan yun. Pero yun yung nakikita ko sakanila sa ngayon. Yun yung nararamdaman ko.

Ang hirap magsalita, kasi mali ka na naman. Ang hirap makipagusap kasi lagi ng may label na tama o mali. Di ba pwedeng usap lang talaga? Walang argumento? Walang kahit ano. Pagod na ko. Pagod na yung utak ko.

Pwede bang mag shut down muna ako? Ayoko na muna ng kahit ano. Oo sumusuko na ko. Ang hirap hirap na kasi. Madali sana kung may makakaintindi e, madali sana kung may makakausap na nakikinig lang. Yung walang opinyon. Yung walang madaming sinasabi. Di naman tayo nagdedebate, nakikipag-usap lang ako. Basta pagod na ko. Ayoko na muna. Magpapahinga muna yung utak ko.

Brain hibernation starts now…

“Dito samin sa Pangarap, kala mo panahon ng hapon e.”

Dalawang barangay na nakakulong. Dalawang barangay na gwardiyado ng maraming armado. Dalawang barangay na may libo-libong tao. Dalawang barangay na ginigipit ng nagsasamantalang uri. Brgy. 181 at 182. Mga barangay na nakapaloob sa Pangarap Village.

Pangarap Village. Ang gandang pangalan. Ang gandang pakinggan. Pero ano nga ba ang istorya ng Pangarap Village? Pano ba ito nabuo at anong problema ang naka-amba sa kanya noon pa? Interesado ka? Lika, basahin mo to.

Tinaguriang Friar Land noong panahon ng mga Kastila. Halos pitong libong ektarya ng lupain ang kinamkam ng mga prayleng Kastila at kinunsiderang Friar land, kasama na nga dito ang kabuuan ng Pangarap Village. Pagkatapos ng matagal na pananakop ng mga Kastila, naibenta ang lupain sa pamamagitan ng Friar Lands’ Act. Binenta sa mga magsasaka ang parte ng mga lupa.

Noong panahon ni Marcos, kinamkam niya lahat ng lupain at tinagurian niyang pag-aari ito ng gobyerno. Muli, kasama diyan ang Pangarap Village. Ipinamahagi niya ito sa mga tauhan niya sa gobyerno, sa mga PSG, sa militar at kapulisan na naninirahan sa loob ng Malacanang park. Nakuha ng village ang pangalan niya sa isang park sa Malacanang. Sa bisa ng PD 293, kinansela ng gobyernong Marcos ang titulo ni Gregorio ‘Greggy’ Araneta at ipinamahagi ang titulo sa mga miyembro ng Malacanang Homeowners Association. Bago pa man naipamahagi ang titulo, marami na ang nakatira sa pangarap village. Nariyan ang mga Urban Poor, Malacanang Homeowners, at mga nakabili ng lupa sa Carmel Development Incorporated na pagmamay-ari ni Greggy Araneta.

Nang matapos ang termino ni Marcos at maupo si Cory Aquino, pinakansela niya ang PD 293 at binawi ang mga titulong naipamahagi sa mga matagal ng residente ng Pangarap Village sa kadahilanang unconstitutional daw ang ginawang Presidential Decree ni Marcos. Naibalik ang pagmamay-ari ng lugar sa panginoong may-lupang si Greggy Araneta.

Mula ng maibalik ang pagmamay-ari kay Greggy Araneta, lagi ng may nakaambang demolisyon sa lugar, kahit na ang iba pa ay tunay na pagmamay-ari na ang lupang kinatitirikan ng mga tirahan nila. Yung ibang nakabili ng lupa ay hindi naiisue-han ng deed of sale. Nagtalaga na rin ng security group si Araneta sa loob ng Pangarap Village at ang CDI na pag-ari niya ang naglagay ng bakod sa palibot ng Pangarap Village at ng gate sa harapan ng Village. Bawat lalabas at papasok sa Pangarap ay minomonitor ng mga armadong guwardiya tat ngayon nga ay may mga unipormado at nakasibilyang mga pulis pa. Ang mga tauhan na rin ni Araneta ang nagkokontrol sa serbisyo publikong pumapasok sa loob ng Pangrap. Sa ngayon nga ay hindi na sila nagpapasok ng mga tauhan ng Meralco at pinagbabawalan na rin ang ilang residente na agpakabit ng linya ng kuryente dahil idedemolish din naman daw ang kanilang mga bahay at papaalisin din naman daw sila doon. Malaking porsyento rin ng mga daan sa Pangarap Village ay baku-bako at hindi sementado at marami rin ang walang linya ng tubig. Minsan pa nga, pati ang supply ng tubig ng mga residente ay hinharang sa gate ng Pangarap. Ultimo mga pulis, lokal na gobyerno ng Caloocan at mga opisyal ng barangay ng Pangarap ay napapailalim sa kapangyarihan ni Araneta. Mismong ang Barangay Captain pa ng Brgy. 181 ang nagsabi sa amin na ipinaalam pa daw niya sa mga tauhan ng Carmel Development Inc. (CDI) ang pagpapapasok niya ng mga materyales na mag-aayos sa barangay hall. Siya mismo tinuturing niyang autoridad ang mga tauhan ni Araneta at si Araneta mismo.

Ngunit ang pinakamalubhang paglabag sa karapatang pantao ng mga residente sa Pangarap ay naranasan nila nitong April 28 ng kasalukuyang taon, kung saan sa kalagitnaan ng kanilang prayer vigil, pagbabarikada at pagbabantay sa kanilang lugar, ay pinaulanan sila ng bala ng mga napikong guwardiya. Marami ang nasugatan at pati ang mga menor de edad ay nadamay. Walang habas na pinagbabaril ng mga armadong security guards ang mga taong tahimik namang nagbabantay upang mapigilan ang unlawful demolition na ginagawa ng CDI. Matatawag bang maayos na demolisyon ang demolisyon na isinasagawa ng ALAS DOS ng umaga? Kung kailan tulog at walang kalaban-laban ang mga tao? Dahil sa pangyayaring ito, halos ilang gabi ring hindi natulog ang mga tao sa pangambang magising na lang sila dahil sa demolisyon. At patuloy na binubuo at pinapatatag ng mga armadong guwardiya ang cliamte of fear sa loob ng Pangarap sa pamamagitan ng paglalakd sa kalye habang nakasukbit sa kanila ang naglalakihang mga armas, pati na rin ang pagpunta at pagtambang sa bahay ng mga leader organizers ng Bayan Muna sa lugar na iyo.

At kami mismo, nasaksihan namin ang pananakot na ginagawa pati ng mga kapulisan. Saan naman kayo makakita ng census na ginawa na ng halos tatlong beses pero ang Β pina[asagutan naman sa survey form ay walang kinalamn sa tunay na census. May census bang itatanong kung saang materyal gawa ang bahay mo? Kung gano kalawak ang sakop ng lupa mo? May census bang nagtatanong kung ilang seminars na ang nadaluhan mo? At may nagcecensus ba na may escort pang mga armadong pulis at guwardiya na kala mo ay lalaban sa giyera sa laki ng mga armas na dala? Kalokohan. Puro kalokohan. Ginagamit pa ni Araneta ang mga walang kaalam-alam na estudyante na naghahanapbuhay lang naman ngayong bakasyon para sa kanyang masamang intensiyon.

Sa kabila nito, nakakatuwang makita na ang mga tao dun ay sama-samang naninindigan para sa kanilang karapatan. Halos lahat ay nakikilahok sa mga proyekto at programa na inoorganisa ng mga grupo doon para labanan si Araneta at makamtan ang dapat lamang na kanila.Β Nakakatuwa na mayroong mga kagaya ng mga naging tatay at nanay namin doon na handang makipaglaban para sa kapakanan ng mga kabarangay nila, hindi lang ng pamilya nila. Nakakatuwa rin na may hindi naman mga taga-roon pero nakikisimpatya, tumutulong, at nagpapalakas ng loob ng mga mamamayan doon.

Di ko tuloy mapigilang tanungin ang sarili ko, ano bang gusto nilang gawin sa Pilipinas? Oo nga’t uunlad tayo, yayaman ang iilan, pero paano naman ang libo-0libong matatapakan? Pano naman ang libo-libong mgabubuwis ng buhay para lang makamtan ang pag-unlad na to? Yang pagyaman. yang pag-unlad, madaming pwedeng gawin para makamtan yan. Marami lang kailangan ayusin, pati ang pag-iisip ng mga nasa bulok nating gobyerno. Bulok na nga ang sistema, bulok pa ang mga tao. Pano tayo uunlad nito?

“Nakakatakot, malaking tao yang binabangga niyo.”

Ano namang laban ng isang malaking tao sa pwersa ng higit pa sa apat na libong sama-samang kikilos para ipaglaban ang karapatan nila? Ano naman ang laban ng isang malaking tao sa pwersa at lakas ng libo-libong masa? Malakas ang masa. Matapang ang masa.

“Kung hindi ngayon, kailan pa. Kung hindi tayo, sino?”

Makialam. Umalam. Magpakalat ng nalalaman.

Tunay namang hindi lahat ng naririnig natin ay tama. Tama nga naman. Kaya maging mapanuri sa bawat maririnig. Hindi porket wala sa TV ay hindi nangyayari. Hindi porket tama sa TV ay tama sa tunay na buhay.

156 heactares ang lupang kinakamkam ni Araneta. 156 heactares. Ilang libong pamilya ang doo’y nakatira. Na walang habas na idedemolish pagdating ng panahon. Ilang libong residente ang mawawalan ng tirahan at itatapon sa kung saan man. Kung hindi tayo kikilos, kung hindi natin to mapipigilan.

Ah, oo nga pala, malayong pinsan ni Greggy Araneta si Mike Arroyo. At pinsang buo niya si Mar Roxas. Ah, kaya pala.

Hey. Thanks. πŸ™‚ For making me feel better. For knowing what to say. For knowing what to do. Thank you. For being there when no one is. For being you, funny, as usual. Thank you. For being sweet for the first time. πŸ™‚ :> Thank you.

Ever since that talk you never left my mind. I don’t know why but I kept thinking of you. I am seeing you in a new light. Like I’ve just met you. You’re different now. I felt your sincerity, your care.

Lolwhut. I don’t know why I kept thinking about you this way. I don’t know. But I’m scared. Scared that these things are all in my mind. That i just misunderstood what you did. That you’re just a FRIEND. A friend who cares and a friend who’s there.

A FRIEND.

But I guess now I want you to be more than that. I’m confused. I’m sorry. I’ll stop feeling this now.

I went from these

To this

Huzzaaa! I am happy again! I am awesome schmawesome schkawsome agaaaain! Chyeah! πŸ˜€ πŸ˜€ πŸ˜€

I love you bhiesfriend. πŸ™‚ Thank y0u for always being there there.

I love you TUKS. Even if your crazy as shit. xD

I love you my girlfriends! We’re hot, YES. πŸ˜‰

Lalala~ I’m lucky to have both of you. I love you and thank you. πŸ™‚

Ninuninuninu~ GV. πŸ˜€ πŸ˜€ πŸ˜€

Wala lang. Actually matagal ko ng naiisip to e. Kasi diba, kung tutuusin ang function lang naman ng puso ay magpump ng blood throughout our body. Wala naman siyang other functions kundi yun lang diba.

Alam ko nagamit yung heart as symbol ng love. Pero hindi naman yun yung heart heart e, yung heart na shape yun, so technically di mo talaga masasabi na puso mo yung nagmamahal. Masyado lang ginagawang figurative at symbolic yung puso, para nga marelate sa love.

Kung tutuusin, at kung iisipin ng mabuti, yung utak mo yung nagmamahal diba. Yung utak mo yung nagdidikta sa katawan mo ng kung anong mararamdaman. Yung utak yung nagcocontrol sa mga nerves mo para maramdaman yung mga bagay na nararamdaman mo. At yung utak mo rin ibig sabihin ang nagfefeed sayo ng mga feeling na mahal mo na yung isang tao. Kung hindi ako nagkakamali, ang nakakaramdam, or rather, nakakapagparamdam sayo kung nagmamahal ka na ay ang hypothalamus mo. So technically, walang kinalaman ang puso mo. Ang utak at kung anu-anong chemicals ang nakakapagparamdam sayo ng so-called feeling na pagmamahal.

Kaya mali ka kung sasabihin mong “di ko na siya mahal, bato na yung puso ko”, kasi nga bato man ang puso mo, gumagana naman ang utak mo. At hindi rin tama yung payo na “sundin mo ang sinasabi ng puso mo”, e ano bang sinasabi ng puso mo pag pinakinggan mo? Diba “dugudug” lang naman. Parang tunog ng pagtakbo. So ikaw, tatakbuhan mo na lang mga problema mo, kasi yun yung tunog/sabi ng puso mo e. Kapag sinabi mo ring broken hearted ka kaya di ka na makakapagmahal ulit ay mali rin. Again, utak nga kasi yung nagfefeed sayo ng pakiramdam na yan. At kapag nararamdaman mong nahihirapan kang huminga at naninikip ang dibdib mo, yan din ay dahil sa utak mo. Psychological lahat ng nararamdaman mo.

Kaya dapat talaga mind over heart. Kasi yung utak naman talaga yung nagdedesisyon ng lahat ng bagay e. Yung utak yung ‘nakakaramdam’. Yung utak yung nagmamahal. Yung utak yung nasasaktan.

Pero bakit ko nga ba ginawa tong post na to? Wala lang. Nabother lang kasi ako. Para lang majustify ko rin sa sarili ko na tanga lang talaga ko at walang kasalanan ang puso ko. Para rin maiprove ko sa sarili ko na nag-isip ako, pero maling pag-iisip ang ginawa ko. Para hindi ko na sisihin ang puso ko, wala naman kasi siyang kasalanan e. Kasalanan lahat to ng utak ko. Di marunong mamili ng matinong tao.

Yuck. Naging emo post na tuloy to. Basta last na to. Dapat maging masaya na ko.

I’m too awesome to be emo. I’m too cute to be sad.

I’ll be cute and awesome na lang. :D:D:D

Kthxbai.


Yellie Jelly :D


Blabbermouth. Primadonna. Irrational. Impulsive. Critical. AWESOME.